to dart

Tuesday, August 13, 2019

“SEKS” Seks ba ang basehan ng tunay na pagmamahalan? Para sakin oo.. Ito ang pinaka-importante sa isang relasyon. Hindi na kailangan magh...

3/08

“SEKS”
Seks ba ang basehan ng tunay na pagmamahalan? Para sakin oo.. Ito ang pinaka-importante sa isang relasyon. Hindi na kailangan maghintay nang tamang panahon. Kailangan mo lang? Paninindigan. Syempre kapag nanligaw ka, wala nang bawian. Dapat hanggang dulo na ‘yon. Kadalasan kasi sa panahon ngayon, seks na ang nagpapatatag sa relasyon. Kung walang seks? Hindi titibay ang inyong relasyon. Napaka-importante ng seks sa dalawang taong nagmamahal. Kung walang seks? Hindi kayo mag-tatagal. Dapat hindi kayo mag-sawa sa isa’t-isa. Wag niyong hayaang mawala ang sparks kahit galit kayong dalawa. Mag-effort ka pa din kahit kayo na. Hindi dapat mawala ang kilig kahit matagal na kayong nagsasama at lalong lalo na ang pag-suporta sa mga bagay na ayaw at gusto niya. Kaya napakasarap talaga ng seks kapag naranasan mo na. Yung tipong hindi pa din nawawala ang seks kahit ang tagal niyo na. Kung puro seks na lang ba palagi hindi ba nakakasawa? Hindi, mas lalo pa ngang gaganda ang inyong pagsasama. Nasa sayo naman kung hindi ka maniniwala. Basta para sa akin, napakahalaga ng seks.

Teka, ano bang nasa isip mo?
S-parks
E-ffort
K-ilig
S-upport
Yan ang tinutukoy ko! Dahil kung meron ang relasyon niyo ng mga bagay na ‘yan hanggang dulo. Masasabi mong seks ang dahilan kung bakit mas matatag ang relationship niyo 😊
Proud ako na hanggang ngayon, hindi nawawala ang SEKS sa aming relasyon. Kahit may anak na kami, at magkaroon pa ng maraming marami. Hindi ako magsasawa, wag lang mawala ang seks sa aming pagsasama 💖
Tandaan: Seks ang sikreto para sa matagal na pagsasama. Pero hindi na ‘to sikreto kasi sinabi ko na 😂
https://www.hammer-of-thor.org/2019/01/seks-ba-ang-basehan-ng-tunay-na_16.html